Hi, I'm Mark. Been in this world for 7-teen years. A proud Kapampangan. BSECE sophie in FEU-East Asia College. Yeah, I love blue. :D

Madali akong mapasaya ng kahit sinuman and that may be my weakness. I am approachable most of the times. I strongly prefer na magkaroon kahit kakaunting kaibigan kesa sa napakaraming acquaintances na sa kalaunan ay, alam mo na, na wala ka lang palang halaga sa kanya.
life is a roller coaster

First day high… and having a hang-over. LOL Part 2

TAE ANG HABA KASI NG POST KO. HINATI KO TULOY SA DALAWA. HAHA.

INTEGRAL CALCULUS - Ohmygoodness! This subject ang pinakanakaramdam kami ng nerbyos. Haisus, sa Differential palang ay nakakabaog na, ngayon ay nasa next level na ng Calculus. Sabi ni seatmate Sean, magnonovena daw siya na di mapunta samin yung previous professor namin na nakakatakot at di gaanong mabait sa pag-grade. Haha. Nung may pumasok na nakacivilian attire sa back door, akala ko yun ang professor namin, I was fooled. Haha. Actually naliligaw pa si Kuya, akala ko classmate na namin, di pala. Haha. Nung pumasok na yung male professor namin, si Sir Belen, what a sigh of relief. Hay salamat po. He is already known by probably the half of the class, mabait daw siya at generous naman sa grade. Good sign. What was a shocker though is binigyan kami ng diagnostic test which is a review from DiffCal. Whoa! No way! Ten items lang pero my mind was not ready for thing like this. Sir made a joke nga, ‘Yung di papasa dito, babalik sa DiffCal.’ Haha. Kaya naman namin yung review. Kaso I forgot some differentiation formulas. I answered 6/10 questions which is the passing score for us. Sana tama sila lahat. Haha.

P.E. - Wow favorite subject na. Haha. I expected na arnis na yung PE since ganun yung dati. Pagkarating namin sa PE room, wala pa yung prof then may TV sa taas ng FERN Building na kung saan nakatira yung mga varsity players. Nasa 3rd floor or 4th ata yung TV and nasa baba kami nanonood ng NBA Finals. Parang ewan lang kami na nakatitig sa taas. Nanalo Miami. What? Haha. Matagal bago rin namin nalaman kung sino prof namin. Around 20 mins din ata. Then pumasok si Sir Gali sa Room 2, and we’re like ‘Yehey!’ when he came. Siya ulit ang prof namin! Sobrang bait ni sir and halos automatic 4.0 na kami sa PE pag siya yung prof (4.0 yung highest grade samin while 0.0 is the lowest, don’t be fooled. XD) The period ended 30 mins in advance so yung 30 min lunch break namin ay naging one hour. Haha.

ENGLISH - I have a feeling na babae yung magiging prof namin. I was hoping na si Ms. Felimer yung mapupunta samin coz she is the kindest of all the kind English teachers out there in our school. Imba siya. Late nanaman yung prof. 30 mins na ata siyang late, 10 mins na lang pede na kaming umalis. When she came, ‘Oh, si Ma’am ERC.’ Yung prof namin ay yung head ng English Resource Center sa school. Alam ko lang eh magaling talaga siya at mukhang mataray. Parang ayoko siyang maging prof dahil parang mahirap sabi ko. Pero as it kept going, okay siya. Marami na siyang naturo bout proper pronunciation coz she wants us to have good communication skills. Public speaking yung English namin ngayon. Macha-challenge ako sabi ko; I don’t like speaking in front of an audience, seriously. I passed with flying colors in the previous English subject, but that was mostly writing. Wew. Kaya ko to. I think confidence lang problema ko talaga.

The class ended, nag-DoTA nanaman yung mga tropa ko. Ako nalang yung naiwan na di sumasama sa DoTA nila kasi di pa ko ganun kagaling. Nagpractice ako nung bakasyon but still, I’m not that good enough to join them. Yung mga kasama kong dati na di naglalaro ay nasa ibang section na. But from 3-4 kasama ko sina James tska si Ranier. Tambay sa good’ol Freedom Park nagkukwentuhan and sight-seeing at the same time. LOL. 4-5 naman sina Koy at Toto ang kasama ko. Kwentuhan din ng bonggang-bongga. Buti di ako naubusan ng masasabi sa magsyotang yun. Haha. Umuwi na kami ni Koy ng 5, pagkauwi ko, natulog ako agad. Nakakapagod din. Swear. Haha.

Masaya ang first day ko, may mga bagong kakilala na magiging malapit sa akin sa mga susunod na mga term. Di pa ko masyadong nakipag-usap sa kanila, nahihiya pa kami. LOL. But after a while, sigurado, parang matagal na kaming magkakakilala nyan.

So here ends my diary post. Hahaha. A chapter in my novel. HAHAHA. SABI KO NA NGA BA, MAPAPAKWENTO NA NAMAN AKO. TENGENE LANG. PAGPASENSYAHAN. :))))))))